Inaatay ang iyong paglapit nanabik sa iyo giliw
Sa saliw ng musika ang puso’y gumising
Isang gabing pangarap ay nadinig
Dahan dahan kang lumapit at ngumiti

Nakita ko ang iyong mukha
Nakangiti at tila ikaw ay namumula
Iniabot saken iyong kamay
At sa gitna ng lahat ako ay iyong inaya

Habang hawak mong aking kamay
Isang pagsinta ang sa puso ay nadama
Tumayo tayo pareho sa gitna
Sa iyong balikat hinimlay ang aking kamay

Sabay tayong umindak sa tugtuging kaibig ibig
Sinulyapan ko ng dahan dahan ang iyong mukha
At ikaw ay nakangiti saken na tila nahihiya
Ako ay ngumiti dahil dama ko ang iyong kaba

Nakita ko ang kislap ng iyong mga mata
Na tila sa bawat pagtitig at pagtama ng ating paningin
Ay may mga salitang lihim na ikinukubli
Di ko mawari kung ano ang iyong ibig ipahiwatig

Ako ay di nagpahalata
Na nadadama ko ang iyong pagsinta
Di ko nais na ikaw saken ay mahiya
Ilihim mo man ito’y huwag ipangamba

Sapgkat saking puso iisa din ang nadarama
Isa lamang aking nalaman
Na ang tagpong iyon ang di ko nais na magtapos
Dahil sa iyong piling ay langit saking damdamin

Nadama ko ang kakaibang koneksyon
Na tayong dalawa ang nag ambisyon
Ito ba ay isang pagibig at pagsinta?
O ito ba’y kathang isip lamang?

Bakit tila ako ay tunay na masaya
Sa saliw ng romantikong musika
Pinangunahan mo ang bawat nating paghakbang
Sinundan ka sa bawat pihit ng ating mga paa

Halos magkalapit na tayo sa bawat isa
At parehong nakangiti ang ating mga mukha
Na tila bang tayo na lamang ang nasa gitna
Mata ay bulag sa mga nakapaligid sating dalawa

Ako ay tumingala nakita ko ang kislap ng nagnining ning na ilaw
Isang patunay na saksi sa ating buong gabi
Tagpong ka’y tamis sa habang buhay nais ika’y nasa tabi
Panalanging makasama ka sa buong sandali

Ang bawat minuto at oras ay espesyal
Bawat gabi ako ay lumuluhod sa ama at emosyonal
humihiling na ikaw at ako ay maging pang walang hanggan
Susukatin ng tadhana ang aking paghihitay

Darating ang tamang tagpo na ang gabing tulad nito
Balang araw ang pangarap ay magkakatotoo
Hindi na biro ang mga bawat tagpo
Dahil sa tamang panahon totoo na ang mga pangarap ko

 

Advertisements