Isang metal na munti ang aking natatanaw mula sa malayo hindi malaman kung bakit ang metal na tawagin ay lata palaging nasa gitna ng daan. Dumaraan ang malalaking sasakyan na maaring makaragasa sa kanyang katawan. Walang pumupulot at tila ata walang halaga ang tingin ng karamihan isang bagay na wala nang silbi at patapon na. Hindi nakikita ng karamihan, tila isang anino lamang sa daaan.  Titingnan ka mula sa malayo ang kinalalagyann ng bagay na iyon. Umiihip ang malakas na hangin, umuulan nang nmalakas, dumaraan ang napakaraming tao napadpad sa kung saan. Umula’t umaraw… naroroon ang latang tila malawak na mundo ang kalsadang daanan para sa kanya.

Pinagmamasadan ko mula sa malayo , napagtanto ko.. napakadami na niyang hinarap sa kanyang mundo ngunit ang isang bagay na iyon ay nananatili pa din na parang hindi napapagod at di sumusuko sa kanyang mundo. Napatanong ako sa aking sarili, Kelan ba may dadampot sa kanya? at mag bibigay ng halaga? Kung makakaya ko lang malaman ang nilalaman nya, ano kaya ang maari nyang sambitin?
Iniisip kaya nyang, ” Mananatili ako sa lugar na ito, wala mang magpahalaga o di man ako mapansin ng iba, ako ay tila isang desenyo lamang sa daaan, Mananatili pa ding gumugulong sa aking mundo at matibay sa pinagdaraanan ko. Naghihintay ako ng pupulot saken. Bakit ba ako nanatili? dahil nais kong andoon lamang ako manatili, Hindi ko inaalala ang panganib o sakit ba tatama saken, mapitpit man ako, iyon ay dahil iyon ang nais ko. Totoo ang isang bagay na kapag hindi na nakikita ang halaga, ang bagay na iyon ay iisang tabi na lamang at pababayaan. Hindi na susubukan pang itago o itabi sa kabila ng kanyang lumang postura sa kabila ng kupas nyang kulay ito ay mawawalan na ng kagandahan sa paningin ng iba. Hindi na nakikita pa ang kagandahan dahil sa natatakpan na ito ng kanyang mga kapintasan.

Mula sa matagal na pagtitig, Malayo ang aking isip. Hinahanap ko ang isang bagay na hindi nila napapansin… Lumingon ako sa kaliwa at kanan, Hinanap ko syang muli at natagpuan ko… Ang bagay na inaasahan ko ay wala na, hindi na sya isang latang buo. Napitpit sya ng isang malaking sasakyang nakaragasa sa kanya at tila hindi pa nakuntento’t nasagasaan pa syang muli.  Lumapit ako at pinulot ang munting bagay na di nila nabigyang halaga. Ginawa kong magagawa ko upang  ayusin syang muli at bihisan at gawing nakakagiliw sa aking paningin ang inaakala ng ibang wala nang halaga ay nakita ko ang importansya. Ang isang bagay na tila walang halaga ay para sa iba ay isang ligayang bibigyang atensyon at pagpapahalaga.

Bumalik ako sa realidad, At nakita ko ang aking sarili sa isang latang iyon…
Ako na parang lata, Ilang beses na akong nanatili at patuloy na nananatili pa din hindi iniinda ang sakit na dulot ng iba sa akin. Napitpit ako ng mga salitang nakakadurog ng pagkatao. Mga kilos na syang gumuguhit saking puso ng sakit. Parang sasakyang nakakapitpit ang syang dumaan sa akin. Pag isang sasakyan rumaragasa na sa aking puso ay umuokit ito ng sugat. Ngunit nanatili pa din hindi sumusuko. Dumating ako sa punto ng aking buhay na may mga bagay ako Hindi nabibigyang halaga, mga bagay na nagawa ay tila hindi napapansin.  kulang pa ba? hind pa a sapat? na ako ay nanantili na tulad ng isang lata, dahil umaasa na balang araw ay may pumulot saken sa kabila ng mga pitpit saken ng dahil sa aking mundo, pupulutin ako ng may pagpapahalaga, at hindi kailanman iiwan nalang sa isang banda. Dadaan daanan lang ng iba gugulong gulo kung saan. Mapapansin nakikita ang kapintasan ngunit pahahalagahan ako sa kabila ng mga iyon. Bakit? dahil nakikita nya ang tulad ko at hindi lang isang anino at disenyo sa mundo.

Naisip ko sa isang banda, tulad ng isang lata. May pupulot din kaya sa isang tulad ko? at aayusin ang mga sakit na nasa aking puso ng isang wagas na pagmamahal at pagpapahalaga. Maaring ito ay matatagalan hindi ko mamamalayan ang kanyang pagdating ngunit sa aking puso, alam kong ito ay mangyayari at magiging totoo. Mapagod man ako sa kahihintay, magbabalik pa din ako sa simula at hanggang sa may makapansin na sa tulad kong tila ata bumilang na ng maraming taon. Maaring hindi ako kaylanman magiging sapat sa isang maling tao. Ngunit alam ng puso na ako ay palagi at mananatiling sapat at higit pa sa sapat para sa taong karapatdapat na sakin ay magmamahal.

 

-Sweetangel

 

Photo: https://www.google.com.ph/search?q=woman

Advertisements